Ngunit tayo ay dadaan
Dadaang gumagawa ng mga daraanan
Daanan sa ibabaw ng karagatan
Todo pasa y todo queda
Pero lo nuestro es pasar,
Pasar haciendo caminos,
Caminos sobre lamar
ang tulang nasa itaas ay nabasa ko sa lrt habang papasok dito sa opisina. hindi ko alam kung bakit ako napatingin na lamang sa pader kung saan nakapaskil ang ad na ito ng instituto cervantes, marahil dahil sinisiksik na naman ako ng isang babaeng hindi ko kilala na tulad ko ay nakikipagsapalaran lang din upang makakuha ng mas kumportableng espasyo. (siksik or die lang naman kasi ang mantra sa tren. die and be late or be a punching bag all your commuting days. ultimo kasi pagsakay ng tren may hierarchies and inequalities.)
pero nung nadiskubre ko na nababasa ko pala ang nakasulat sa lapit na iyon ay lalo akong naengganyo na basahin nga ang tula. aha! sabi ko. no need to squint this time! wahahaha! madalas kasi ay gusto ko mang basahin ang mga tula sa paligid ko one after another ay pinasusuko na kaagad ako ng mga mata ko, na simula pagkabata pa lang ay natuto nang sumingkit para lang maka-focus nang mabuti. hindi rin siguro nakatulong na bata pa lang ay public enemy number one ko na din ang carrots.
(pero mas madalas pa rin talaga ang pagkausap ko sa mga inanimate na bagay na parang sasagot lang talaga sila sa akin, matter-of-factly.)
pagkatapos kong mabasa ang tula, na sinulat ng espanyol na si antonio machado at bahagi ng kanyang mga proverbios y cantares (proverbs and songs) noong 1912, naisip ko na kaagad na magiging maganda ang araw na ito. papaanong hindi, bilang ito ay biyernes at none other than critically acclaimed youtube sensation rebecca black has recently immortalized the merits (and chronological correctness) of this day? it's friday, i'm in love! sabi nga ng the cure. it's friday, sacrilege nang magtrabaho. petiks na lang, sabi ng dark side ko.
oo, biyernes. at umaga pa lang, nagka-out of the body experience na ako. mismong yung translation sa pilipino, tula na rin in its own right! college nung simula akong mainlab sa wikang pilipino. crush ko pa lang kasi siya nung panahon ng noli me tangere at el filibusterismo nung high-school. dahil sa mga guro tulad nila reuel molina aguila na nagturo sa amin noon ng fil125, tuluyan na nga akong nabighani sa lenggwaheng atin na maraming nakakakilala pero bihira, malungkot na sobrang bihira, ang nakakaalam.
gumagawa ng daanan, sa ibabaw ng karagatan. daanan para sa mga taong hindi alam kung papano luluwas o tatawid sa dako pa roon. nag-iiwan ng legacy na kayang sumabay sa agos ng panahon, sa paglimot. nakakangiti, nakaka-inspire. nakakapagpalipad ng diwa!
No comments:
Post a Comment